Home METRO Kuya todas sa pananaksak ng naalimpungatang kapatid!

Kuya todas sa pananaksak ng naalimpungatang kapatid!

MANILA, Philippines- Isang lalaki ang namatay sa saksak ng nakababata nitong kapatid makaraang magkaroon ng pqgtatalo nang maalimpungatan sa pagtulog sa Brgy. Amaya 6, Tanza, Cavite 

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si alyas ‘Marvic’, 37, subalit idineklarang patay nang makarating sa nasabing hospital. 

Kinilala naman ang suspek at nakababatang kapatid ng biktima na si alyas ‘Marvin’, 36-anyos, na residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang dumating at madatnan na natutulog ang nakababatang kapatid na si Marvin dahilan upang batuhin ito ng kuya ng speaker sa loob ng kanilang bahay.

Dito na naalimpungatan at nagising ang kapatid at sa galit ay humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin nito ang kuya. 

Kaagad namang sumuko sa mga barangay official. Margie Bautista

Previous articleBabaeng rider pisak sa fire truck!
Next articlePMA KONTRA SA PAGSASALIGAL NG PAGGAMIT NG MARIJUANA PARA SA KARAMDAMAN