Home METRO Babaeng rider pisak sa fire truck!

Babaeng rider pisak sa fire truck!

MANILA, Philippines- Dead on the spot ang isang babaeng Food Panda delivery rider nang tumilapon at magulungan ng isang fire truck matapos na tangkaing mag-overtake sa isang pampasaherong jeepney sa Sta. Ana, Manila nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Kathlyn Dela Cruz, 34, isang Food Panda rider mula sa 1354 J Burgos Street, Paco, Barangay 826, Manila dahil sa malalang sugat sa katawan.

Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeep na si Alfredo Jr Balaguer y Bonso, 56, ng 108, Anuling Mendez, Cavite habang ang fire truck ay may plakang SAA 8198.

Sa ulat, dakong alas-6:56 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa westbound lane sa panulukan ng Pedro Gil Extension malapit sa P. carreon Street, Sta Ana, Manila kung saan minamaneho ni Dela Cruz ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang westbound ng Pedro Gil Extension, Sta. Ana, Manila kung saan pagsapit sa panulukan ng Carreon St., lumihis siya sa kaliwang direksyon upang mag-overtake sa jeepney ni Balaguer na noon ay nakatigil upang magbaba ng pasahero.

Pero sa kanyang pag-overtake, nasagi ang kaliwang bahagi ng kanyang motorsiklo ng kanang bahagi ng fire truck na binabagtas din ang nasabing lugar.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang Food Panda driver kaya ang kanang bahagi ng kanyang motorsiklo ay bumangga sa kaliwang bahagi ng jeepney na nagresulta sa pagkatilapon nito mula sa kanyang motorsiklo kaya siya nagulungan ng fire truck at nakaladkad na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMotornapping modus ng mag-dyowa buking!
Next articleKuya todas sa pananaksak ng naalimpungatang kapatid!