Home NATIONWIDE Dalagita, patay sa kagat ng aso sa Tondo

Dalagita, patay sa kagat ng aso sa Tondo

MANILA- MAAGANG binawian ng buhay ang isang 13-anyos na dalagita matapos makagat ng aso 2 buwan ang nakalipas sa Tondo, Manila, iniulat kahapon.

Binawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Jamaica Seraspi, isang grade 7 student at residente sa Vitas Tondo.

Kwento ng ina ni si Roselyn, nagsabi sa kanya ang anak (Jamaica) na hirap siyang uminom ng tubig saka sinabing baka may rabies na ito saka na lamang umamin sa kanya ang anak na nakagat siya ng aso noong Pebrero 10, 2024 sa isang birthday party sa Barangay 99, Tondo.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit makalipas ng 12 oras ay binawian rin ng buhay.

 Lumabas sa death certificate ng biktima na namatay ito sa rabies encephalitis.

Ayon sa barangay tanod, 8 katao ang nakagat ng nauulol na aso at pito sa mga ito ay binigyan ng paunang lunas maliban kay Jamaica na binalewala lang niya ito at hindi ipinaalam sa kanyang ina.

Nahuli naman ng mga barangay tanod ang aso at kanila itong ikinulong subalit makalipas ang 8 araw ay namatay.

Sinabi naman ni Dr. Juancho Bunyi, health office ng Muntinlupa City, na kapag hayop ay infected ng rabies mabilis itong kumalat sa katawan, kaya dapat ay agad na linisin ng tubig na halos 10 minuto at buhusan ito ng alcohol o antiseptic o di kaya iodine ibuhos sa sugat saka dalhin sa ospital ang pasyente mabigyan ng gamot o injection para sa anti-rabies. -Mary Anne Sapico