ILOILO CITY- Nadakip ang 26 kalalakihan matapos mahuli sa aktong pagsasagawa ng ilegal na sabong o “pauwak” noong Linggo sa bayan ng Pavia.
Batay sa report ng Pavia Police Station, nakatanggap sila ng report hinggil sa ilegal na sabog sa isang compound sa Barangay Pandac, ng nasabing bayan.
Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar ay naabutan nila ang higit 100 katao sa ilegal na sabungan at 26 sa mga ito ang nahuli.
Nakuha sa lugar ang nasa 15 manok na panabong, dalawang improvised cockfighting rings, at P10,000 na taya.
Sinabi ni Major Harold Rendora, hepe ng Pavia Municipal Police Station, na walang cockpit arena sa lugar o registered cockpit kaya lahat ng gaganapin sabong sa lugar ay ilegal.
Ang mga nadakip na suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling. Mary Anne Sapico