ILOCOS SUR-Kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na lalaki matapos sumemplang sa kalsada ang minamaneho nitong motorsiklo sa Sitio Labut, Brgy. Lipit, Cabugao ng lalawigang ito kagabi.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay residente ng Brgy. Arnap ng naturang bayan.
Minamaneho ng biktima ang kulay itim na Euro motorcycle at patungong silangang direksyon sa barangay road sa naturang lugar.
Pagdating nito sa pakurbang parte ng kalsada, hinihinalang nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima hanggang sa sumemplang sa kalsada ang kanyang motorsiklo.
Resulta nito, nagtamo ng head injury ang biktimang walang suot na helmet.
Ang biktima ay agad na isinugod sa Pira Clinic and Hospital ng mga rumespondeng PNP personnel.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso