Home ENTERTAINMENT Ina ni Jake, sumagot, kinuyog ng mga netizens!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ina ni Jake, sumagot, kinuyog ng mga netizens!March 4, 2025 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Evil Queen.Ito ang nakasanayan nang itawag kay Racquel Pempengco ng mga taong ayaw sa kanya.Si Racquel ang kontrobersyal na ina ni Jake Zyrus, dating Charice Pempengco.Muling nabuhay ang isyu sa pagitan ng mag-ina dahil sa librong inilabas ni Jake–ang i Am Jake.Naglalaman ‘yon ng maraming rebelasyon ni Jake noong bata pa siya.Isa na roon ay ang umano’y pang-aabuso na dinanas niya sa edad na anim ng kanyang mismong tiyuhin.Naroon din ang walang habas na paggastos ng kanyang ina sa mga perang kinita niya sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.Wari’y saulado na ni Racquel ang pagkadismaya ng mga netizens sa kanya, partikular ang mga supporters ni Jake.Aniya, tanggap niya kung Evil Queen man ang tingin ng tao sa kanya.“Peace of mind pa rin ang pipilin ko” sa halip daw na pag-aksayahang basahin ang libro ng anak.“No matter what, the truth prevails,” dagdag niya patungkol sa mga taong walang kuwenta at walang utang na loob–na obyus na si Jake.“My blood is flowing in your veins and you can only remove it when you’re dead!” hirit pa ni Racquel.Halos paulanan ng mga cuss words o mura si Racquel ng mga netizens.Ang iba’y ibinununton ang sisi sa kanya kung bakit naging transman ang anak. Ronnie Carrasco III