Home NATIONWIDE 26 kilo ng shabu nasabat sa Parañaque

26 kilo ng shabu nasabat sa Parañaque

102
0
MAHIGIT sa 26 kilos ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang joint buy bust operation ng SPD DDEU,REGION-4A, PDEA,HPG nang kanilang salakayin ang isang subdivision sa Sycamore st. Annex Upper Barangay Sun Valley sa Parañaque, kung saan 5 katao ang arestado kabilang ang isang dating pulis.Nakuha sa mga suspek ang isang bushmaster rifle, 2 kalibre 45 na baril mga bala,6 na cellphone, isang weighing scale,isang bag at buy bust money. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 26 na kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang joint buy-bust operation ng SPD DDEU,REGION-4A, PDEA,HPG sa isang subdivision sa Sycamore st. Annex Upper Barangay Sun Valley sa Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Helper, 35-anyos; James, 49-anyos; Jezreel, 29-anyos; Hazel, 25-anyos; at Ricardo, 48-anyos.

Ang mga ito ay natukoy bilang high value individual kung saan nakuha sa kanila ang 13 piraso ng self-sealing transparent plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, translucent plastic container na may takip na naglalaman ng shabu, marked money, smartphone, at samu’t saring ID.

Nakuha rin mula sa kanila ang isang bushmaster rifle, dalawang kalibre .45 na baril, mga bala, isang weighing scale at isang bag.

Samantala, ang narekober na mga shabu ay tinatayang nagkakahalaga ng P91,045,200 na isasaialalim sa laboratory examination.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here