Home LIFESTYLE HEALTH 26K Bulakenyong paslit isasalba sa ‘deadly’ measles-rubella

26K Bulakenyong paslit isasalba sa ‘deadly’ measles-rubella

28
0

BULACAN, Philippines – Bilang paghahanda para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng mahigit  26,000 batang Bulakenyo ay hinikayat ng kinauukulan na mapabakunahan ang mga ito laban sa tigdas at rubella.

Sa ulat ng Bulacan PHO-Public Health kamakailan, ang mga batang ito ay may edad 6 hanggang 59 months sa ating lalawigan.

Hinikayat mismo ni Governor Daniel Fernando ang mga magulang ng mga iito sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Sisimulan ngayong Hunyo ang MR SIA sa piling lugar  kabilang ang  Obamdo, Marilao, Meycauayan at San Jose Del Monte at magpapatuloy ito hanggang Agosto sa iba pang mga bayan at lungsod ng lalawigang ito.

Nabatid na ang measles-rubella ay lubhang nakakahawang sakit na mabilis kumalat lalo na sa mga batang mahihina ang resistensya.

Sinasabing ang measles ay maaring magdullot ng mataas na lagnat, pulmonya, impeksyon sa utak at maging pagkamatay habang ang rubella ay mapanganib lalo na sa mga buntis dahil maari itong magdulot ng seryosong kapansanan sa sanggol.

Paalala ng kinauukulan, wala umanong gamot laban sa mga sakit na ito. Ang bakuna lamang ang pinakabisang proteksyon dito. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here