Home METRO Rider, utas sa salpukan ng motorsiklo, kotse sa Isabela

Rider, utas sa salpukan ng motorsiklo, kotse sa Isabela

25
0

ISABELA, Philippines – Patuloy ang panawagan ng pamilya’t kamag-anak ng isang 25-anyos habang pinaglalamayan sa publiko para sa anumang CCTV footage, dashcam recordings, o impormasyon mula sa mga nakasaksi sa isang malagim na banggaan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Arellano, Quezon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Garhett Lei Bacayan Ramos, mas kilala bilang “GL,” na tubong Baguio City na sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang employer nang mangyari ang aksidente.

Matapos ang insidente, isinugod si Ramos sa isang ospital sa Quezon bago inilipat sa isang pagamutan sa Tuguegarao City kung saan ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor. Nagtamo umano siya ng traumatic brain injury at iba pang matitinding pinsala sa katawan.

Sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, umaasa ang pamilya na may mga indibidwal o establisimyento na maaaring nakakuha ng video footage ng insidente o may impormasyong makatutulong upang mabuo ang malinaw na larawan ng nangyari.

Kungbka’t nananawagan ang mga kaanak at pamilya ni Ramos sa sinumang nakasaksi o may hawak na CCTV o dashcam footage kaugnay ng aksidente na makipag-ugnayan sa kanila upang makatulong sa kanilang paghahanap ng kasagutan hinggil sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay. (Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here