Home METRO NPA information officer sumuko sa Butuan City

NPA information officer sumuko sa Butuan City

23
0

AGUSAN DEL NORTE, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad sa Butuan City ang isang 19-anyos na itinuturing na information officer at courier ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa ulat, boluntaryong sumuko ang naturang indibidwal sa mga pulis noong Mayo 31. Hindi muna isinapubliko ang kanyang pagkakakilanlan at patuloy na iniimbestigahan ang kanyang naging papel sa organisasyon.

Iniulat din na bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra-insurhensiya ang naturang pagsuko, kung saan hinihikayat ang mga dating miyembro at tagasuporta ng armadong grupo na magbalik-loob sa gobyerno at sumailalim sa reintegration programs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here