MANILA, Philippines – Umabot sa 27 Chinese vessels ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng West Philippine Sea mula Setyembre 1 hanggang 7.
Ayon kay AFP WPS spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang dito ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG):
Ayungin Shoal: 1 PLAN at 4 CCG vessels
Bajo de Masinloc: 4 PLAN at 10 CCG vessels
Escoda Shoal: 3 PLAN at 3 CCG vessels
Pag-asa Islands: 2 CCG vessels
Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea dahil inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga katubigang inaangkin din ng Pilipinas at iba pang bansa.
Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na batayan ang claim ng China sa historic rights sa mga yamang-dagat sa loob ng nine-dash line. Hindi kinikilala ng China ang naturang ruling. RNT/MDS