MANILA, Philippines – Tutustahin ng mapanganib na lebel ng heat index ang San Jose, Occidental Mindoro at 27 iba pang lugar sa bansa ngayong Sabado, Mayo 17.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), inaasahan ang heat index na 45 degrees Celsius sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ang kaparehong lugar na ito ang nakapagtala rin ng heat index na 47 degrees Celsius nitong Biyernes.
Nasa ilalim ng “dangerous” category ng heat index ang mula 42°C hanggang 51°C at maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
Samantala, ang tuloy-tuloy na exposure sa sikat ng araw ay magdudulot naman ng heat stroke.
Narito ang iba pang lugar na makararanas ng mataas na lebel ng heat index ngayong araw:
44°C
Aparri, Cagayan
Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
Infanta, Quezon
Central Bicol State University for Agriculture – Pili, Camarines Sur
43°C
Laoag City, Ilocos Norte
Dagupan City, Pangasinan
Bacnotan, La Union
Tuguegarao City, Cagayan
Iba, Zambales
Cuyo, Palawan
Daet, Camarines Norte
Virac, Catanduanes
Masbate City, Masbate
Iloilo City, Iloilo
Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Davao City, Davao del Sur
Butuan City, Agusan del Norte
42°C
Ninoy Aquino International Airport – Pasay City, Manila