MANILA, Philippines – HINDI lamang pinagkaitan ng iligal na tobacco trade sa Pilipinas ang gobyerno ng bilyon-bilyon piso na lubhang kailangan na kita kundi pinalala pa ang public health crisis ng bansa sa pamamagitan ng paglalantad sa mga mamimili ng mas murang mga produkto na lubhang nakalalason at hindi makontrol.
Dahil dito, nagbabala ang mga eksperto at advocacy group na ang paglaganap ng mga peke at smuggled tobacco products sa merkado ng Pilipinas ay nagpapahina sa pagsisikap sa mapagbuti ang kalusugan ng publiko, pinatataas ang panganib sa kalusugan at hinahadlangan ang pagtatangka ng mga naninigarilyo na huminto.
Ang iligal na sigarilyo at vapor products na nabibili ng mura at madalas na walang health warnings at quality controls ay nananatiling ‘widely available’ sa kabila ng umiiral na mga regulasyon.
Ayon sa Canadian Medical Association Journal, ang walang buwis at kontrabandong sigarilyo na nagkakahalaga ng kalahati sa legal brands ang nagpapahina sa pagtatangka ng mga naninigarilyo na huminto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas murang alternatibo at nagtataas ng posibilidad ng pagbabalik sa dati o patuloy na paggamit.
Tinukoy ng Consumer advocacy group Consumer Choice Philippines ang ugnayan sa pagitan ng ‘illicit trade at stalled progress’ sa pagbabawas ng smoking rates.
“Cheap illicit cigarettes undermine government strategies like sin taxes, which were designed to curb smoking. If smokers can still access low-cost alternatives, the public health objective is lost,” sinabi ni Adolph Ilas, chairman ng grupo.
Bagaman ipinagbabawal ng batas ng Pilipinas ang pagbebenta ng tabako sa mga menor-de-edad, iniiwasan ng illicit cigarette at vape traders ang mga regulasyon sa pamamagitan ng pag-o-operate sa informal channels gaya ng street vendors at ‘unscrupulous’ online sellers.
Lumutang din ang illicit vape trade bilang pangunahing ‘revenue drain’ para sa gobyerno.
Ayon sa datos ng BIR na tinukoy ng OSSTG Ways and Means Committee, ang smuggling ng vape products ay magbubunga ng P62.52 bilyon na kakulangan sa excise tax collections.
Sa unang bahagi ng 2025 lamang, mahigit sa P5B halaga ng illicit vapes ang nasamsam. Sa Pilipinas, muling dumaluyong ang smoking rates matapos ang halos isang dekada ng pagbaba.
Batay sa government data sa pagdinig ng House Bill 11360, sinabi ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na ang adult smoking ay lumala sa 18.5% noong 2021 sa 23.2% noong 2023 at bunga umano ito ng ‘mas mura at illicit tobacco products’ na bumaha sa merkado sa mga nakalipas na taon.
Natuklasan pa sa ilang international studies na ang illicit tobacco products ay naglalaman ng mas mataas na antas ng nakapipinsalang sangkap. Sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang mga pekeng sigarilyo ay naglalaman ng maraming ‘cadmium, lead, at thallium’ na nagbubunga ng cancer, kidney damage, at iba pang iba pang malubhang sakit.
Sa buong mundo, tinatayaang taon-taong may nakokonsumong 500B illicit na sigarilyo na karaniwang ipinuslit at ginawa nang walang pagsunod sa regulatory standards kaya mas mura at mas accessible sa low-income consumers at mga kabataan.
Ayon pa International Chamber of Commerce Counterfeit Intelligence Bureau, naglalaman ang ilicit cigarettes ng limang beses na cadmium, anim na beses na lead, 160% mas maraming tar, at 133% carbon monoxide kumpara sa legal brands, bukod sa pagkakaroon ng ‘unsanitary contaminants’ gaya ng itlog ng insekto, amag at dumi ng tao.
“Illicit tobacco products are far more dangerous than legal ones because they are not manufactured under any form of safety oversight. Filipinos are being exposed to unknown and potentially deadly substances,” ayon kay Dr. Lorenzo Mata, pangulo ng Quit for Good, isang health advocacy group na nagpo-promote ng tobacco harm reduction.
“The failure to curb illicit tobacco trade means more Filipinos are exposed to even deadlier products.”aniya pa rin.
Binigyang-diin naman ni Suansing na habang ang Sin Tax Law sa una ay humantong sa mas mataas na kita at mas mababang smoking rates, ang koleksyon ng excise tax ay patuloy na bumababa simula 2021 mula P176B noong 2021, P160B noong 2022, at P135B noong 2023.
Dahil dito, nagbabala si Suansing na ang ‘twin trends’ ng paghina ng kita at pagtaas ng pagkonsumo ay sumasalamin sa madaliang pagsugpo sa illicit trade, kung saan na nakasisira ng pangunahing layunin ng tobacco taxation bilang isang ‘public health at fiscal tool.’
Noong 2024, sinabi ng Bureau of Internal Revenue bumaba ang koleksyong buwis sa sigarilyon sa P134B mula sa P174B noong 2021.
Isiniwalat naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na noong 2024, umabot ang tax leakages sa P342 milon sa sigarilyo habang P64M sa illegal vapor products.
Bilang tugon, pinaigting ng BIR ang operasyon laban sa illicit cigarettes at vapor products gaya ng 141 laban sa vapes noong 2023.
Ayon kay Assistant Commissioner Vincent Maronilla, nasamsam ng Customs ang smuggle. RNT