SOUTH KOREA – Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa heat-related illnesses dahil sa nagpapatuloy na heat wave sa South Korea.
Dagdag pa rito, naitala ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) ang kabuuang 3,019 heat-related cases hanggang nitong Miyerkules, kung saan ang monitoring ay sinimulan noong Mayo 20.
Marka ito ng ikalawang pinakamataas na bilang ng mga kasong naitala, sunod sa 4,526 kaso na naitala noong 2018.
Nalampasan ng bilang ngayon ang 2,818 kaso na naitala mula Mayo 20 hanggang Setyembre 30 noong nakaraang taon.
Samantala, sinabi ng Korea Meteorological Administration na ang heat wave ay posibleng magtagal hanggang sa simula ng Setyembre. RNT/JGC