Home METRO Lalaking sangkot sa magkahiwalay na pamamaril sa Metro Manila, arestado!

Lalaking sangkot sa magkahiwalay na pamamaril sa Metro Manila, arestado!

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang lalaking sangkot sa dalawang insidente ng pamamaril sa Metro Manila.

Sa ulat, sinabi ng Mandaluyong City Police (MCP) na ang suspek na kinilalang si Jerome Emar Sanchez, ay nahuli sa hot pursuit operation nitong Agosto 22.

Sinabi ng mga awtoridad na sangkot si Sanchez sa mainitang komprontasyon sa tatlong indibidwal sa F. Martinez Street, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City bandang 1:55 ng madaling araw noong Martes.

Nauwi sa pamamaril ang komprontasyon.

“Following the shootout in Mandaluyong, the suspect fled the scene, sparking an immediate manhunt by the Mandaluyong City Police. The suspect was pursued across multiple locations, with CCTV footage revealing his vehicle speeding towards Manila,” ayon sa pulisya.

Nagtapos ang habulan sa Intramuros, kung saan may nangyari ulit na palitan ng putok dahilan para masaktan ang suspek at ang isang pulis.

Nakuha sa suspek ang mga armas, ammunition, at hindi pa tukoy na powder mula sa sasakyan ng suspek.

Sasailalim sa ballistic examination ang baril na ginamit ng suspek.

Mahaharap si Sanchez sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2012), Section 11 of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), direct assault, at three counts ng frustrated homicide. RNT/JGC