Home NATIONWIDE 28 sa 89 naarestong pekeng dentista, nahatulan na – PNP

28 sa 89 naarestong pekeng dentista, nahatulan na – PNP

232
0

MANILA, Philippines – Inireklamo ng Philippine National Police–Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na 89 na indibidwal ang inaresto noong nakaraang taon dahil pagiging pekeng dentist at nag-aalok ng serbisyo online, at 28 sa kanila ang nahatulan na ng paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.

Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Wilson Asueta, nagmula ang mga pag-aresto sa 82 operasyon. Iniulat din niya na apat na pekeng dentista na ang naaresto ngayong taon sa mga operasyon mula Enero 1 hanggang 23, na ang pinakahuli ay sa Batangas.

Binalaan ni Asueta ang publiko laban sa pagtangkilik sa mga walang lisensiyang nag-aalok ng serbisyo, lalo na ang tinatawag na “DIY braces” na karaniwang ina-advertise sa social media, at binigyang-diin na ang mga dental procedure ay dapat isagawa lamang ng lisensiyado at rehistradong dentista.

Hinimok niya ang publiko na beripikahin ang kredensyal ng mga dentista sa Philippine Dental Association o sa kaukulang ahensiya ng gobyerno at agad i-report ang mga pekeng dentista sa mga awtoridad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here