Home NATIONWIDE 29 pamilya lumikas sa bakbakan sa NegOcc

29 pamilya lumikas sa bakbakan sa NegOcc

MANILA, Philippines – Isang-daan at apatnaput apat na residente o 29 pamilya ang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at New People’s Army sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental nitong Huwebes, Abril 4.

Ayon kay Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo, nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga residenteng pansamantalang tumutuloy sa isang simbahan.

Nakipaglaban ang mga sundalo sa limang remnants ng nabuwag na Central Negros (CN) 1 Komiteng Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor.

Napatay sa engkwentro ang isang miyembro ng Sangay Yunit Propaganda (SYP) ng CN 1, na kinilalang si Marlo “Malot” Catacio, 24-anyos.

Narekober sa encounter site ang KG9 sub-machine gun na may magazine at ammunition, rifle grenade, bandolier, pancho, dalawang backpack, medical paraphernalia, at subversive documents na may high intelligence value.

Nakuha din ng mga sundalong nakipaglaban sa mga tumakas na rebelde ang isang .38 caliber revolver na may tatlong bala, rifle grenade, bandolier, at tatlong magazine na may 29 serviceable 5.56mm ammunition.

Wala namang naitalang nasawi sa hanay ng pamahalaan. RNT/JGC