Home METRO Tricycle driver itinumba sa Laguna; killer patay operasyon

Tricycle driver itinumba sa Laguna; killer patay operasyon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 41-anyos na tricycle driver matapos barilin sa Barangay San Jose, Calamba City nitong Huwebes, Abril 4.

Kinilala ang biktima na si Frederick Tagle habang ang gunman na si Benjo, ay napatay din sa operasyon sa Barangay Parian, ng kaparehong lungsod ilang oras matapos ang insidente.

Anang pulisya, minamaneho ni Tagle ang kanyang tricycle sakay ang isang pasahero nang dumating ang suspek at pinagbabaril ito.

Patay on the spot ang biktima habang ang suspek ay tumakas patungo sa direksyon ng Barangay 6. Hindi naman nasaktan ang pasahero ni Tagle.

Dahil dito ay naglunsad ng follow-up operation ang pulisya at naaresto ang suspek. Sa halip na sumuko ay nagpaputok ito ng baril sa mga pulis, dahilan para gumanti ang mga pulis at mapatay ang suspek.

Dinala sa ospital ang suspek ngunit idineklara ring patay.

Narekober ng pulisya ang baril ng suspek na may mga bala. RNT/JGC