Home METRO Mga armas nasamsam sa nadiskubreng kampo ng NPA sa Abra

Mga armas nasamsam sa nadiskubreng kampo ng NPA sa Abra

168
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga sundalo ang kampo ng New People’s Army kasama ang iba’t ibang armas kasunod ng engkwentro sa Barangay Nagcanasan, Pilar, Abra nitong Martes, Abril 2.

Ayon sa militar, nagpapakita ng mas malaking grupo ang mga narekober na gamit.

Sinabi ng 5th Infantry Division na bulubundukin at matarik ang lugar ng engkwentro.

Isang sundalo ang nasugatan sa naturang engkwentro na kinailangan pang ilikas gamit ang helicopter.

Ipinadala ang Philippine Air Force (PAF) para magsagawa ng air support para sa ground troops.

“If not for the close air support and air evacuation, the casualty might have expired on site,” sinabi ng 5th ID.

Dinala na sa V. Luna Medical Center sa Quezon City ang sugatang sundalo.

Nakalaban ng mga tropa ng pamahalaan ang mahigit 30 miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) North-Abra led na pinamumunuan ni Maria Luisa Purcray mula sa Northern Mindanao.

Nakasagupa ng mga sundalo ang NPA pitong beses mula tanghali hanggang alas-7 ng gabi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here