Home NATIONWIDE PBBM nangakong magbubuhos ng pondo para sa SBDP

PBBM nangakong magbubuhos ng pondo para sa SBDP

151
0

Manila, Philippines- Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ang pagdaragdag at pagbubuhos ng pondo para sa Support to Barangay Development Program (SBDP) sa ilalim ng pamamahala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“The President has directed the Cabinet to increase the financial support to the 864 BDP barangays for 2024. He tasked the DBM to allow the 864 barangays to access the FALGU (Financial Assistance to LGU) Program so that their requirements for farm to market roads and water system and sanitation can immediately be funded this year. The Department of the Interior and Local Government (DILG) and the Department of Budget and Management (DBM) will crunch the numbers and work out the immediate implementation of the President’s directive,” pahayag ni National Security Adviser at NTF-ELCAC co-vice chairperson Eduardo Ano.

Sa ginanap na pulong balitaan matapos ang NTF-ELCAC’s 5th Executive Meeting na pinamunuan mismo ni PBBM, sinabi ni Sec. Ano na sa 2024 General Appropriations Act, mayroong P2.6 bilyon o’ P2.5 milyon kada isa sa 864 barangay na tatanggap ng SBDP.

“The President said that the P2.5 million per barangay is small. He said: ‘we have to do more. We have to do better than that. We will try to reach P10M per barangay’,” paliwanag ng NTF-ELCAC official.

Ang Barangay Development Program (BDP) ay inilunsad na pangunahing layunin ay makapagbigay ng kaunlaran sa mga lugar na dating napeste ng New People’s Army.
Mula nang inilunsad ang programa mayroon ng kabuuang P30.4 bilyong piso ang naigugol ng pamahalaan para sa 4,501 barangay na lumaya na sa pamemeste ng mga rebelde.

Inatasan ni PBBM ang kanyang Gabinete na tutukan ang pagpopondo pa sa bawat specifically 864 na mga barangay pa na bibigyan ng SBDP para sa taon na 2024.

“By significantly enhancing our investment in these communities, we aim not just to meet, but to exceed their needs for development and peace,” ang sabi ni Pangulong Marcos.

Ang pondo ng SBDP ay inilalaan naman ng tatanggap na barangay para sa kanilang mga infrastructure projects, farm to market roads at pagpapa-ayos ng kanilang sistema ng tubig na maaaring magpagaan ng kabuhayan ng mga naninirahan sa mga barangay na ito.

Dagdag pa ni PBBM kailangang magtuloy-tuloy ang daloy ng pondo sa mga barangay na ito upang magtuloy-tuloy rin ang kapayapaan sa mga lugar ng mga barangay na ito, kasama na ang 5,430 mga barangay na isinailalim sa BDP.

Sinisikap din ng Marcos administration na tapusin ang 2024-2028 Roadmap, na pinangungunahan ng NTF-ELCAC. Ito ang maglalatag ng mga polisiya upang lutasin ang ugat ng insureksiyon at tapusin ang paghahari-harian ng mga CPP-NPA-NDF na naka-angkla rin sa Philippine Development Plan 2023-2038 ng tanggapan ni PBBM. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here