Home HOME BANNER STORY Data breach sa national ID pinabulaanan ng PSA

Data breach sa national ID pinabulaanan ng PSA

MANILA, Philippines – WALANG nangyaring data breach sa national ID database at sa Philippine Identification System (PhilSys).

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang katotohanan ang napaulat na nag-leak ang data sa national ID system, kung saan hawak ang lahat ng personal information ng mga mamamayan kabilang na ang kanilang addresses, mobile numbers, at biometrics data.

“As the central authority on official statistics, and the implementing agency of civil registration and National ID system, the PSA takes such allegations seriously and immediately investigated the claims in the said posts,” ayon sa ahensiya.

“Based on the initial assessment, the PSA found no leak in the National ID database,” dagdag nito.

Pinaalalahanan din niya ang mga mamamayang Filipino sa internet na “remain vigilant of unverified information circulating online.”

Sinabi pa ng PSA na magsasagawa ito ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa di umano’y data leak sa national ID system at tiniyak na magsasagawa ng hakbang para masiguro ang seguridad at integridad nito.

Nauna rito, nag-post ang isang cybersecurity tracker account na Deep Web Konek ng “inaccurate information regarding the Philippine Citizen ID, purportedly shared on a hacker forum.” Kaagad namang binura ang nasabing post kasunod ng beripikasyon. Kris Jose