Home METRO Kakulangan ng tubig sa Zamboanga, ‘public safety issue’ – Zambo police chief

Kakulangan ng tubig sa Zamboanga, ‘public safety issue’ – Zambo police chief

MANILA, Philippines – Inilarawan ni Zamboanga police chief Col. Kimberly Molitas ang nangyayaring krisis sa tubig sa Zamboanga City bilang isang “public safety issue.”

Mula pa noong Marso ay nasa ilalim na ng state of calamity ang lungsod dahil sa kakulangan sa tubig.

Sa ulat, nagkakaroon na ng mga insidente ng nakawan ng tubig mula sa mga linya ng Zamboanga City Water District (ZCWD) dahil dito.

Ani Molitas, umaalalay na rin ang mga pulis sa mga tauhan ng ZCWD sa pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong barangay.

“Our police stations are very familiar with the places where there’s supposed to be lack of water. So our station commanders are aware of this [situation],” aniya.

Humingi na rin ng tulong ang pulisya sa mga opisyal ng barangay sa pagmonitor ng mga kaguluhan na may kinalaman sa krisis sa tubig.

“We don’t have to resort to arms to address this crisis,” ani Molitas.

“We are mandated to secure all the people who are rationing water. We do regular assessments. We will take action if necessary if there is any civil unrest,” dagdag pa niya.

Aabot sa 69,569 tirahan ang sineserbisyuhan ng distribution system ng distrito.

Dahil sa kakulangan ng tubig sa tagtuyot, 47,713 tirahan lamang ang naseserbisyuhan dahil sa mahinang pressure at volume ng tubig.

Mula sa normal level na 74.2 metro, bumaba sa 73.8 metro ang tubig sa water treatment facility ng ZCWD.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naitatala ang average heat index na 40 degrees Celsius sa Zamboanga City. RNT/JGC