Home METRO Residential area sa Marikina nasunog

Residential area sa Marikina nasunog

MANILA, Philippines – Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Parang, Marikina City nitong Sabado ng umaga, Abril 6.

Ayon sa ulat, nangyari ang sunog sa Sevilla Street bandang alas-5 ng umaga.

Umabot pa sa unang alarma ang sunog bago ito naideklarang fire under control bandang 5:45 ng umaga.

Apat na tirahan ang naapektuhan ng sunog ayon sa Bureau of Fire Protection.

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. RNT/JGC