Home NATIONWIDE 29 wanted person sa Isabela, arestado

29 wanted person sa Isabela, arestado

143
0

ANGADANAN, Isabela – Umabot sa 29 wanted persons ang naaresto ng Isabela Cops sa loob ng isang linggong operasyon mula Pebrero 13 hanggang 19, 2026.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na tugusin at panagutin ang mga nagkasala sa batas kabilang ang isang top municipal most wanted, habang isang suspek ang naaresto sa illegal firearms at ilang baril ang boluntaryong isinuko sa ilalim ng Kontra BOGA.

Hindi rin nakaligtad ang anim na katao sa ilegal na pagsusugal sa Cauayan City, habang isang kaso ng cattle rustling ang nauwi sa pagsuko ng tatlo at pagbawi ng isang baka na nagkakahalaga ng ₱45,000.

Naitala rin ang anti-smuggling operation sa bayan ng San Agustin na nagresulta sa pagkasamsam ng mga LPG tank, habang umabot sa mahigit 1,700 violators ng local ordinances ang nahuli sa buong Isabela.

Patuloy na pinaigting ng pulisya ang operasyon upang panatilihing ligtas at payapa ang probinsya. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here