Home NATIONWIDE 294 inabandonang balikbayan boxes pinakukuha na ng BOC

294 inabandonang balikbayan boxes pinakukuha na ng BOC

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Bureau of Customs (BOC) nitong Linggo sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya na kunin ang 294 balikbayan boxes na dinala sa Pilipinas noong 2023.

“Unfortunately, they were abandoned by the forwarder after collecting payments from abroad,” pahayag ng BOC noong Linggo.

Base sa Customs, dumating ang balikbayan boxes sa Pilipinas mula sa Kuwait noong Feb. 12, 2023 at nakatago sa isang bodega sa Santa Ana, Manila.

Sa nasabing balikbayan boxes, inihayag ng BOC na naipamahagi na nila ang 450 kahon.

Maaaring tingnan ng OFWs at kanilang mga pamilya ang unclaimed balikbayan boxes sa BOC website.

Upang makuha ang balikbayan boxes, kailangang ipresenta ang mga sumusunod na dokumento:

  • Passport ng sender (original o photocopy)

  • Isang valid government-issued ID (original at photocopy)

  • Proof of shipping tulad ng invoice o bill of lading (original at photocopy)

Samantala, ang mga kukuha ng balikbayan boxes para sa iba ay dapat magpakita ng karagdang mga rekisitos:

  • Notarized authorization letter o special power of attorney

  • Valid ID ng kinatawan. RNT/SA