Home OPINION CASTRO SA SENADO? LALONG GUGULO!

CASTRO SA SENADO? LALONG GUGULO!

ALAM na alam n’yo siguro ang pinalutang na balita ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF na si France Castro ng ACT-Teacher Partylist ay kanila raw kandidato sa Senado sa susunod na midterm elections 2025.

Natuwa ako dahil ang unang sumigaw dito ay ang aking kabigang si Dr. Lorraine Badoy  na ang sabi ay alam na alam din raw ng Central Committee ng CPP-NPA-NDF na walang kapana-panalo itong si Castro.

Pero, ang sabi ni Badoy, hindi naman talaga ito ang motibo sa pagpapatakbo sa walang kapana-panalong si Castro. Ang tanging hangarin nitong mga recruiter ng ating mga kabataan na maging NPA, ay ang makangakngak sa panahon ng kampanya ng mga linyahang sisira sa pamahalaan at maka-recruit ng mga kabataan para maging mandirigmang NPA.

At siyempre pa, “magkapera”, dahil sa panahon ng kampanya, makakagawa nga naman sila ng pera, ‘di lamang si Castro, kundi lahat ng may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Sino-sino ang mga ito? Alam n’yo na rin naman siguro kung sino ang mga dikit  sa pinakamalaking sindikato ng panloloko – ang CPP-NPA-NDF.

Ngayon pa lang ay dapat na pigilan ang balak ni Castro kaya kailangan ilantad na ang kanilang madilim na balak.

Ito namang kaibigan din nating si Ka Eric na galing mismo sa kilusan ng mga mandarambong, eh di na rin nakatiis at nilisan ang samahan, at ngayon ay nagsisiwalat ng mga madidilim na balakin ng CPP-NPA-NDF.

Ang kakapal daw ng mukha at talagang patatakbuhin pang senador ang ale, eh wala naman ibang hangarin kundi manggulo. ‘Di ba sa Kamara, lahat ay pinakialaman na nito.

Sabi pa ni Ka Eric, unti-unting pinapasok ng CPP-NPA-NDF ang lahat ng institusyon sa bansa,tulad ng paaralan, simbahan at pulitika para maging makapangyarihan at para na rin magkagulo. Kapag kasi hati ang kalooban ng taumbayan, pati na ang mga nakapwesto, pagkakataon na nilang makapanggulo.

Lumang estilo na ang ginagawa ng mga kaliwang grupo, ayon kay Ka Eric dahil ako man ay naloko rin pero sa bandang huli ay aking nilisan.

Kung gusting mamuhay ng magulo, sumama sa katulad ni Castro. Pero sinasabi ko, walang mapapala sa pagsapi sa  komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Hindi pa ba kayo nagtatataka, sa hinaba-haba nang kanilang ipinaglalabang panahon, may nangyari na ba? May narating ba? Puro gulo lang, may kasama pang patayan.