Home OPINION P35.00 NA DAGDAG-SWELDO, MAGSISIMULA SA JULY 17

P35.00 NA DAGDAG-SWELDO, MAGSISIMULA SA JULY 17

NASA Php 35.00 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ang sinang-ayunan ng RTWPB o Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region.

Alinsunod sa inilabas na Wage Order No. NCR-25 na may petsang June 28, 2024, magiging Php 645.00 ang minimum wa­ge ng mga nagtatrabaho sa non-agriculture sector habang nasa Php 608.00 naman sa mga nasa agriculture sector. Ang pi­nakahuling minimum wa­ge ay Php 610.00 at Php 573.00.

Ang umento sa sweldo ay kaagad na inap­ru­­bahan ng NWPC o Na­tional Wages and Pro­ductivity Commission at pinayagan ang publi­kasyon nitong July 1, 2024 at magiging epektibo sa July 17, 2024 o la­binglimang araw mata­pos ang paglathala at pag-abiso.

Ang karagdagang sweldo ay na determina alin­sunod sa mga criteria na nakapaloob sa Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act, kinunsidera rin ang tatlong petisyon natanggap ng RTWPB.

Nagsagawa rin ang board na binubuo ng mga kinatawan ng pamahalaan, private employers, at labor sectors ng konsultasyon noong May 23, 2024 at June 4, 2024, at nagkaroon din ng public hearing noong June 20, 2024.

Lalaki ng 5.7 pors­yento ang minimum wage ng mga nasa NCR na lagpas na sa poverty threshold na itinakda ng pamahalaan.

Inaasahang direktang makikinabang dito ang 988,243 mi­ni­mum wage earners sa Metro Manila gayundin ang nasa 1.7 million full-time wage earners at mga manggagawa na tu­­matanggap ng mas mataas sa minimum na sweldo dahil sa mangyayaring adjustment.

Paalala ng NWPC, alin­sunod sa umiiral na regulasyon, ang mga re­tail/service establishments na hindi lalagpas sa sampu ang mga manggagawa ay maaaring magsumi­te ng aplikasyon para sa “exemption” mula sa RTWPB maging ang mga negosyo na naapektuhan ng kalamidad o kaya ay human-induced disasters katulad ng arson.

Ang BMBEs o Bara­ngay Micro Business Enterprises ay hindi saklaw ng minimum wage law ­alinsunod sa R.A. No. 9178.
Ang huling pagtataas sa minimum wage ay na­ging epektibo noong July 16, 2023 dahil sa mataas na inflation ng mga pa­ngunahing bilihin.