Home HOME BANNER STORY 2K bisita sa SONA kumpirmado

2K bisita sa SONA kumpirmado

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na ang padating na State of the Nation Address (SONA) sa July 22 ang may pinakamaraming bisita.

“We may be opening some viewing rooms for the additional guests kasi overwhelming yung nag-confirm na pupunta sila dito (sa House) sa SONA. So far, we have received confirmation from over 2,000 guests, including House members and members of the Senate who will be joining the Joint Session to hear the SONA of the President,” pahayag ng opisyal.

Ito ay dahil may mga miyembro ng Kamara na magsasama ng mula 10 hanggang 20 local officials gaya ng mga mayor, vice mayors, mga kamag-anak at iba pang lider sa kanilang distrito at lalawigan.

“Ang rule kasi namin, House member plus one usually ung asawa nila except for some. Yung iba kasi may kasamang governor or relative na high-ranking official. We give them the courtesy,” sinabi pa ni Velasco.

Sa ngayon, ang plenaryo ay naglalaman ng 1,312 seats at dahil sa dagdag na bisita ay naglaan pa ng 502 na dagdag na monobloc chairs kung kaya aabot ito ng1,814 sa plenary hall.

“We’re trying to have additional chairs doon kahit sa second and third galleries. Maglalagay kami ng additional monobloc doon just to accommodate these numerous requests coming from House members and other agencies.”

Ayon kay Velasco, magdaragdag din ng viewing rooms sa Batasan Complex para sa mga hindi makakapasok sa plenaryo gaya ng Romualdez Hall na isa sa magsisilbing viewing room sa may 300 bisita kabilang ang seniors, PWDs at persons with medical conditions.

Kabilang sa mga nagsabing hindi makadadalo sa SONA ay sina dating Vice Presidents Leni Robredo at Jejomar Binay samantalang naghihintay pa ang Kamara ng kumpirmasyon sa pagdalo ni Vice President Sara Duterte.

“We are inviting all these former Presidents, former Vice Presidents, former Senate Presidents, former Speakers. And so far, we have not received confirmation from former President Duterte. We have much leeway doon sa mga VIPs. They can confirm or cancel at the last minute. That’s the privilege of the VIP guests. We cannot impose any deadline on the VIPs,” ani Velasco.

Sa kasalukuyan ay meron na aniyang 47 ambassadors ang kumpirmadong dadalo sa SONA kabilang ang mula China at United States.

Ang paghahanda sa SONA ay isasapinal hanggang sa Lunes (Hulyo 15) kung saan magkakaroon ng walk-through sa Kamara mula sa back entrance kung saan papasok ang Pangulo kapag dumating na ito sa Batasan Complex maging sa north at south lobbies kung saan daraan ang mga mambabatas.

“We’re almost there. We will have our final inter-agency meeting on Monday,” sinabi pa ni Velasco kung saan idinagdag niyang ang Presidential Security Command ang katuwang ng House Sergeant at Arms at Senate Sergeant at Arms sa aspeto ng seguridad.

Samantala, binanggit ng opisyal na gagastos ang pamahalaan ng halos P20 milyon para sa pagkain ng ng mga bisita.

“The [food budget] is around that figure of [P20 million], but we cannot reveal [the final figure yet] since caterers also have security concerns. We cannot reveal yet due to security concerns,” ani Velasco.

“It’s not too costly. Our security personnel alone are in the hundreds. The Congress personnel is at 2,000 to 3,000, then the guests are around 2,000. That’s (amount) just about right,” dagdag niya. Meliza Maluntag