Home NATIONWIDE Pastora tinambangan, nakaligtas; suspek nagpatiwakal!

Pastora tinambangan, nakaligtas; suspek nagpatiwakal!

CAUAYAN CITY, Isabela– Tila nakonsensya ang suspek hanggang tuluyan magbaril sa ulo matapos nitong tambangan ang isang pastora sa bahagi ng Barangay Gappal, Cauayan City dito sa nasabing probinsya.

Matatandaang ang biktimang si Ginang Precila Salbatiera ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang tiyan matapos itong tambangan ng pinaghihinalaang si Eduardo Pabigayan.

Una rito, nag-overtake umano si Pabigayan lulan ng kanyang tricycle at tinambangan ang sinasakyang Toyota Hi Ace Van ng pastora.

Matapos ang pamamaril sa pastora ay nagtungo umano si Pabigayan sa bahay ng biktima at doon binaril niya ang sarili na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang biktimang si Salbatiera.

Samantala, blangko pa rin ang pulisya kung ano motibo sa pamamaril sa pastora. Rey Velasco