Home ENTERTAINMENT BINI Aiah, may panawagan sa socmed!

BINI Aiah, may panawagan sa socmed!

Manila, Philippines – Idinaan ni BINI Aiah Arceta sa social media ang kanyang panawagan sa madlang people.

Ito ay may kinalalaman sa kanyang recent Cebu trip kasama ang kanyang pamilya.

Naging masaya raw siya pero may mga pagkakataon na na-i-invade ang kanyang privacy at personal space.

Sa Instagram Story, ipinaliwanag ni BINI Aiah kung bakit hindi siya naging aktibo sa socmed kamakailan lang.

“I haven’t been active lately on social media and I haven’t been very responsive to messages, even from some of my family and friends. The truth is, a lot of things have been happening lately, and I just needed some time and space to process them,” sabi ni Aiah.

Kasunod nito, pinasalamatan niya ang lahat ng naging kind, understanding at patient sa kanya.

“I am blessed to have people like them, and I hope we can continue to have eyes that can see the good, mouths that can speak what’s right, and ears that can listen and understand,” mensahe pa niya.

At dito na nanawagan at humingi ng privacy ang dalaga.

“Some would directly run up to me, grab a photo (even while I was eating), post it in real-time, use my face and post it on pages or places for the sake of clout and publicity without my consent, and worse, some would even include the real-time location, which I don’t think is safe,” kwento ng Pinoy pop idol.

Nilinaw niya na gusto niyang makipag-picture at ma-meet ang ibang tao o kanilang fans, pero ayon sa kanya: “I just hope that people also see and respect us as human beings.”

Sana raw ay maintindihan ng tao na minsan lang sila magkaroon ng personal time kasama ang mga mahal sa buhay, lalo na’t sobrang busy ng kanilang schedule.

Bukod diyan, nanawagan din siya sa lahat na: “To be kinder, with their words and actions, especially when expressed online.

“You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity,” aniya pa. Rommel Placente