Home NATIONWIDE PBBM: Airport facilities pagandahin

PBBM: Airport facilities pagandahin

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang transport agencies na iprayoridad ang pagpapaganda sa mga airport facility at serbisyo sa bansa bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang turismo.

Ipinalabas ng Pangulo ang direktiba sa isinagawang Cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang, Martes ng umaga, Hulyo 9.

“We have directed our transportation agencies to prioritize the enhancement of our airport facilities,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.

“Our goals are — to make the traveler experience more efficient and comfortable, to boost tourism and to drive significant economic growth for the country,” dagdag niya.

Ang naturang pulong ay dinaluhan nina Finance Secretary Ralph Recto, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Budget Secretary Amenah Pangdandaman, Energy Secretary Raphael Lotilla, Housing Secretary Jerry Acuzar, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Trade Secretary Alfredo Pascual, at Transportation Secretary Jaime Bautista.

Nangako naman ang Pangulo na aayusin ang operasyon ng mga pangunahing paliparan sa bansa partikular na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay at Parañaque, para tiyakin na magaan ang pagbiyahe at mas mapalakas pa ang sektor ng turismo sa bansa.

Matatandaang noong Marso, sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa P170.6-billion public-private partnership (PPP) modernization agreement sa pagitan ng gobyerno at San Miguel Corporation-led consortium para sa rehabilitasyon ng NAIA. Kris Jose