MANILA, Philippines- Nabenipisyuhan ng social programs na pinangunahan ng Office of the Vice President (OVP) ang mahigit 2 milyong Pilipino mula 2022, ayon sa pahayag nito noong Linggo.
Hanggang Aug. 31, 2024, nakapagbigay ang OVP ng iba’t ibang tulong sa “2,027,164 individuals through the agency’s various initiatives, such as medical, burial, and relief programs,” anito.
Subalit sa bilang na ito, ipinaliwanag ng OVP na 67 porsyento o halos 1.5 milyong mga benepisyaryo ang binigyan ng tulong sa pamamagitan ng 10 satellite offices at dalawang extension offices ng OVP sa buong bansa.
Ang OVP ay mayroong satellite offices sa mga lungsod ng Cebu, Tacloban, Davao, Zamboanga, Surigao, Dagupan, Cotabato City, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Isabela, at Bicol Region
Mayroon din itong extensions offices sa Lipa, Batangas at Tondo, Manila.
“The satellite and extension offices are strategically located in different areas in Luzon, Visayas, and Mindanao for accessibility of medical and burial assistance and other social services offered by the OVP,” pahayag nito.
“The said mechanism aims to bring closer the assistance of OVP to indigent, marginalized, and underserved communities since the areas identified were based on accessibility, volume of traffic, mode of transportation, presence of hospitals, and high people traffic,” patuloy ng opisina.
Gayundin, binanggit ng OVP na maseserbisyuhan ng panukalang 2025 budget ng opisina na P2.037 bilyon ang 1.4 milyong Pilipino sa buong bansa.
Matatandaang tinapyasan ng House appropriations committee ang proposed budget ng OVP mula P2.037 bilyon sa P733.2 milyon.
Kasunod ito ng akusasyon ni Vice President Sara Duterte sa mga mambabatas ng pamumulitika sa budget deliberations upang atakihin siya.
Subalit, nakatakdang ipagtanggol ng ilang senador ang budget ng OVP at ibalik ang orohinal na panukala, bagama’t bibigyan ang minority ng sapat na oras upang busisiin ito. RNT/SA