GOODBYE Mona! Este bon voyage ang sinabi ng mga taga-Energy Regulatory Commission sa paglikas mula sa kanyang tanggapan ng kanilang chairman na si Mona Dimalanta matapos suspindehin ng Office of the Ombudsman.
Sabi naman ng mga marites na nakasubaybay sa umano’y loveteam nina Dimalanta at “Energy King” na “wala talagang forever!” kasi nga nawala na ang tamis ng kanilang pagtitinginan na nauwi na sa pagkasuspinde ng ERC chairman.
Bagaman naghain ng apela si Dimalanta sa Ombudsman para sa kanyang anim na buwang suspensyon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na ito makababalik pa sa kanyang dating pwesto sapagkat may “apple of the eye” na ang kanyang dating ka-love team at ang padrino nito sa Malakanyang.
Noong una, marami ang nag-aakala na pader sa tibay na hindi kayang tibagin ang love team nina Aling Mona at Energy King (hindi energy drink? JK– Ed) pero matagal na palang may lamat ito kaya nga humantong sa pagsuspinde ng Ombudsman kay Dimalanta dahil sa pagpabor ng ERC chairperson sa Manila Electric Company.
Noon, medyo halata na ng mga Tolits at mga Marites sa ERC na umay na umay na itong si Dimalanta sa madalas na paghingi ng pabor ng dati nyang boss para sa kanyang mga kompanya. Hindi matanggihan ng ERC chairperson ang mga pakisuyo at pakiusap nito dahil may utang na loob ito sa kanyang dating bossing.
Nang hindi na makayanan ang mga panggigipit, medyo umiwas na at dumistansya si Dimalanta sa dating ka-loveteam at tatlong linggo raw bago bumaba ang desisyon ng Ombudsman, kalat na ang tsismis sa Palasyo na sisibakin na si Dimalanta sa puwesto.
Ayon naman sa Marisol ( Mareng Sulsol) sa Palasyo, BFF (as in boyfriend este best friend forever? – Ed) daw ni Mr. Energy King ang kumumpas para malaglag itong si Dimalanta – gigil din kasi itong si BFF dahil sa pagpabor ni Dimalanta sa Meralco, na matagal na nilang pinagpapantasyang makuha.
Umiikot na ang balita na napupusuang ipalit kay Dimalanta ay bata umano ng isa sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno.
Kapag nangyari ito, mukhang matutuloy na ang naunsiyaming plano ng mag-BFF na i-takeover ang prangkisang hawak ng Meralco.
Kibit balikat lang ang mga tsismoso at tsismosa sa pag-apela ni Dimalanta sa kanyang suspensyon kasi nga raw mukhang tapos na ang maliligayang araw niya sa ERC.
On the bright side, marami nang time si Dimalanta na magtravel galore with family and friends! Marami na sigurong ipon.