Home METRO 2nd tranche ng Region II wage hike umarangkada

2nd tranche ng Region II wage hike umarangkada

MANILA, Philippines- Epektibo na ang P15 second trance ng wage increase sa Region II o Cagayan Valley nitong April 1, 2024, ayon sa ulat nitong Martes, batay sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector, sumampa na ang kanilang minimum daily wage sa P450, habang P430 naman para sa mga manggagawa sa agriculture sector.

Matatandaang naglabas ang wage board ng Cagayan Valley ng motu propio Wage Order No. RTWPB 2-22 noong September 21, 2023, na nagdaragdag ng P30 sa minimum wage sa rehiyon na hahatiin sa dalawang equal tranches.

Gumulong ang first tranche nang umiral ang order. 

Nag-isyu rin ang wage board ng  Region II ng Wage Order No. 02-DW-05 na naggagawad ng monthly increase na P500 para sa sahod ng mga kasambahay o domestic workers, na nagdala sa kanilang monthly pay rate sa P5,500. RNT/SA