Home ENTERTAINMENT Benz Sangalang, tinawag na ‘Kaldag King’ ng Vivamax!

Benz Sangalang, tinawag na ‘Kaldag King’ ng Vivamax!

Manila, Philippines- Ipinahayag ng hunk actor na si Benz Sangalang na hindi niya iniisip na kumawala sa image bilang sexy actor. Si Benz ay isa sa nangungunang actor sa Vivamax streaming app.

Aniya, “Hindi po, okay lang sa akin na gumagawa pa rin ako ng sexy project. Kahit makagawa na ako ng mainstream, okay pa rin sa akin ang magpa-sexy. Kasi, aktor ka eh, so part talaga iyon ng trabaho mo.

“Hangga’t may ipapakita ako game akong magpa-sexy. Pero kung wala na, parang trying hard na ang dating, huwag na, tigil na tayo,” natatawang sambit ni Benz.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero kung may ipapakita pa rin ako, hanggat may ipapakita, kahit gumagawa na ako ng mainstream o nagkakapangalan na, okay pa rin sa akin ang magpa-sexy.

“Siguro depende lang talaga iyon sa direktor, sa istorya, pati yung partner mong babae. Kasi sa Vivamax, mahalaga iyong partner mong babae, eh.”

Ngayong 2024 ang tinatayang magiging pinaka-exciting na kabanata ng kanyang showbiz career.

Ang biggest project o pinakamahalagang movie na gagawin niya ay ang Kaldag King o Boy Kaldag (tentative title na pinagpipilian) na pamamahalaan ni Direk Roman Perez Jr.

Paliwanag ni Benz, “Parang buwelo na, parang magle-level up na talaga ang career ko, kahit paano.

“Parang itong Kaldag King o Boy Kaldag na talaga ang kino-consider nina Boss na launching ko, pinapaganda talaga ang script at papaingayin daw nila ang movie. Dito, kakaiba ang role ko at maraming babae talaga ang mali-link kay Boy Kaldag.

“Tapos ay magkakaroon dito ng cameo role ang mga A-Listers, like sina Azi Acosta at Angeli Khang ay sure na nandoon na sa film. Si AJ (Raval) hahanapan lang namin ng schedule, pero okay na siya. Si Ayanna (Misola) ay okay din sa kanya ang mag-cameo role sa movie na ito, ewan ko lang kung kasali siya.

“So ganoon ang support nila dahil alam nilang mahalaga iyong pelikulang ito sa akin, kaya tutulungan nila ako.”

Dagdag pa ni Benz, “Pero ang mauuna muna rito ay itong movie na Balinsasayaw, kaabang-abang na project po ito, kasi 7 or 8 yata ang bed scenes o love scenes na gagawin ko rito, eh. Dalawa ang leading lady ko rito, pero apat na actress ang makaka-sex scenes ko rito.” Nonie Nicasio

Previous articlePulis, utol utas sa salpukan ng motor, trak
Next article2nd tranche ng Region II wage hike umarangkada