Home METRO Pulis, utol utas sa salpukan ng motor, trak

Pulis, utol utas sa salpukan ng motor, trak

PAMPLONA, Cagayan – Sinalubong na ni kamatayan ang magkapatid na kinabibilangan ng isang pulis matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na forward truck sa Brgy. Cabaggan, Pamplona, Cagayan.

Kinilala ang mga biktimang lulan ng motorsiklo na si Pat. Mario Martinez, 28-anyos, kasalukuyang nakadestino sa Regional Mobile Force Batallion 2 habang angkas ang kanyang kapatid na si Mark Anthony Martinez, 30-anyos, construction worker, at kapwa residente sa Brgy. Centro 4, Claveria, Cagayan.

Kinilala naman ang driver ng forward truck na si Rodolfo Mamuad, 54-anyos, residente ng Brgy. Binalan, Aparri, Cagayan.

Dakong alas-10 ng gabi nang binabaybay ng magkapatid ang kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Cabaggan kung saan galing sila sa bayan ng Claveria upang mamili ng mga iluluto para sa birthday celebration.

Nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo si Pat. Martinez dahil inayos niya ang iniangkas na sako sa kanyang bandang unahan na naglalaman ng karne.

Dahil dito, biglang na lamang aniya nitong tinahak ang kasalungat na linya ng kalsada kung saan akto namang paparating ang forward truck na naglalaman ng mga palay na minamaneho ni Mamuad na naging ugat ng banggaan.

Bagama’t may suot na helmet ang mga biktima ay nagtamo pa rin sila ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan matapos na pumailalim sa foward truck ang sinakyang motorsiklo.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor. Rey Velasco

Previous articleIncognito search data kakalusin ng Google
Next articleBenz Sangalang, tinawag na ‘Kaldag King’ ng Vivamax!