Home METRO Lalamove rider na nagpanggap na miyembro ng MTPB kalaboso

Lalamove rider na nagpanggap na miyembro ng MTPB kalaboso

MANILA, Philippines- Nabuking ng mga awtoridad ang isang 27-anyos na rider ng Lalamove, makaraang mamataang nakasuot ng uniporme ng Manila Traffic and Parking Bureau ( MTPB) habang nagmamando ng trapiko sa Pedro Bukaneg Street, malapit sa Roxas Boulevard, Barangay 720, Malate, Manila.

Dahil dito, bukod sa kasong Robbery Extortion, nahaharap din ang suspek sa paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority).

Kinilala ang na si Lloyd Tolentino, binata.

Base sa ulat ni Police Staff Sargent Samuel Cayabyab na isinumite kay Police Lieutenant Coronel Nelson Cortez, Commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-6 ng gabi nang maiulat sa naturang presinto ang insidente.

Isang complainant ang nagbigay ng salaysay sa pulisya, na umano’y nakauniporme pa ng MTPB ang binata nang tangkain nitong kunin ang kanyang driver’s license makaraang lumabag sa batas-trapiko (Swerving).

Dito na ipinakita ng complainant ang traffic enforcer.

Nang ipakita ang lisensya, sinabi umano ng suspek na, “Kung gusto mo dito mo ayusin ang problema, para makauwi ka na, para hindi ka na matikitan.”

Hindi naman nakumbinsi ang 43-anyos na contractor nang madiskubreng pekeng miyembro ng MTPB ang binata. Rene Crisostomo

Previous article2nd tranche ng Region II wage hike umarangkada
Next article1.3M bata target bakunahan kontra tigdas