Home SPORTS 3-0 win nasikwat ng Filipinas vs Saudi sa AFC Qualifiers

3-0 win nasikwat ng Filipinas vs Saudi sa AFC Qualifiers

278
0

MALAKAS ang naging panimula ng Filipinas sa kampanya nila sa AFC Women’s Asian Cup Qualifiers matapos talunin ang Saudi Arabia, 3-0, sa Phnom Penh, Cambodia.

Tumabla sila sa tuktok ng Group G kasunod ng dominanteng panalo.

Ang mga goal ay nagmula kina Jaclyn Sawicki, Meryll Serrano, at Alexa Pino.

Sa ika-16 minuto pa lang ay umiskor na si Sawicki matapos ang errant pass ng Saudi defense na sinamantala ni Serrano at ipinasa sa kanya.

Lumobo pa ang kalamangan sa second half nang ma-convert ni Serrano ang header ni Chandler McDaniel sa 55th minute upang gawing 2-0 ang iskor para sa Pilipinas.

Sa ika-80 minuto naman, pinatunayan ni Pino ang kanyang galing sa isang world-class na left-footed strike sa top left corner ng goal na nagtala ng final score.

Ang susunod na laban ng Filipinas ay kontra sa host team Cambodia. Panalo ulit ang target nila para makuha ang natatanging puwesto sa Group G sa 2026 AFC Women’s Asian Cup sa Australia.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here