MULING binigo ng Vietnam ang Pilipinas sa VTV Cup matapos ang sunod-sunod na straight-set sweep, 25-20, 25-21, 25-21, sa Vinh Phuc.
Ito na ang ikapitong sunod na talo ng bansa kontra Vietnam mula noong 2019 SEA Games.
Bagama’t natalo, ito na ang pinakamalapit na laban ng Alas Pilipinas kontra sa powerhouse team na Vietnam, kung saan lumampas na sila sa 20 puntos sa bawat set—isang senyales ng mas maigting na depensa at opensa.
Namuno sa Vietnam sina Tran Thi Thanh Thuy na may 14 puntos at Nguyen Thi Bich Tuyen. Umabot pa sa 20-all ang laban sa unang set bago sunod-sunod na puntos ang binitawan ng home team.
Sa ikalawang set, mabilis namang nakabawi ang Vietnam at nagtala agad ng 20-13 na lamang.GP/JC