OPISYAL na ngang umangat sa ika-56 na pwesto sa world rankings si Alex Eala.
Ito ang pinakamataas na naabot ng isang Pilipina sa kasaysayan ng WTA.
Mula sa dating No. 74, tumaas ng 18 pwesto ang 20-anyos na tennis star matapos ang kahanga-hangang performance sa Eastbourne Open.
Bagama’t nabigo sa finals kontra kay Maya Joint ng Australia, nakuha ni Eala ang pansin ng tennis world sa kanyang sunod-sunod na panalo laban kina Hailey Baptiste, Jelena Ostapenko, Lucia Bronzetti, at Dayana Yastremska.
Lahat ng ito ay sinimulan niya mula sa qualifying rounds.
Ang dating career-high ni Eala ay No. 69, ngunit ang bagong ranggong ito ay nagpapalapit sa kanya sa mga elite gaya ni Naomi Osaka na kasalukuyang nasa ika-53 pwesto kung saan tatlong ranggo na lamang ang pagitan nila. GP