Home NATIONWIDE 3.4M pasahero naitala sa mga pantalan sa Holy Week travel rush –...

3.4M pasahero naitala sa mga pantalan sa Holy Week travel rush – PCG

127
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Holy Week travel season sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis at patuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, umabot sa 3.4 milyong pasahero ang naitala mula Palm Sunday (Marso 28) hanggang Easter Sunday (Abril 5), mas mataas kumpara sa 3 milyon noong nakaraang taon.

Pinakamaraming biyahe ay naitala sa mga rutang patungong Cebu, Iloilo, Aklan, Batangas, at Oriental Mindoro, na kilalang tourist destinations.

Sa Easter Sunday lamang, umabot sa 219,297 ang outbound passengers at 189,629 ang inbound passengers sa 354 pantalan sa buong bansa.

Ayon sa PCG, inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero tuwing Linggo ng Pagkabuhay dahil sa pag-uwi ng mga tao sa Metro Manila mula sa mga probinsya.

Samantala, iniulat din ng PCG ang 37 insidente ng pagkalunod at near-drowning ngayong Holy Week—mas mababa kumpara sa 53 noong nakaraang taon.

Sa 37 kaso, 19 ang nasawi habang ang iba ay nasagip. Karamihan sa mga biktima ay umano’y lasing o mga batang walang kasamang magulang habang naliligo sa dagat.

Ayon sa PCG, posibleng nakaambag sa pagbaba ng insidente ang mas pinaigting na information campaign at presensya ng mga tauhan sa mga baybayin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here