Home HOME BANNER STORY Diesel maaaring umabot sa P170/L

Diesel maaaring umabot sa P170/L

132
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo, batay sa industry estimates na inilabas sa oil price watch.

Ayon sa mga source sa industriya, maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng ₱17 hanggang ₱19 kada litro sa Martes, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng ₱3 hanggang ₱5 kada litro.

Mas mataas ito kumpara sa nakaraang linggo, kung saan naitala ang pagtaas ng diesel na nasa ₱4.50 hanggang ₱12.90 kada litro at gasolina na nasa ₱1 hanggang ₱2.90 kada litro.

May mga pagtataya rin na maaaring umabot sa ₱170 kada litro ang diesel sa ilang sitwasyon, na maglalagay ng dagdag na pasanin sa mga motorista at transport operators, lalo na sa mga bumalik mula sa Holy Week break.

Ayon sa ulat, kahit may assurance umano ng Iran para sa ligtas na pagdaan ng oil shipments sa Strait of Hormuz, nananatiling volatile ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Pinaka-apektado ang mga gumagamit ng diesel gaya ng bus, truck, jeepney, at maging mga barko at bangka na umaasa sa fuel sa araw-araw na operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here