Home HOME BANNER STORY 3.6M estudyante apektado ng suspensyon ng in-person classes sa matinding init ng...

3.6M estudyante apektado ng suspensyon ng in-person classes sa matinding init ng panahon

MANILA, Philippines – Mahigit tatlong milyong mag-aaral mula sa 14 na rehiyon ang apektado dahil sa suspensyon ng in-person classes dahil sa matinding init ng panahon.

Sa ulat ng Department of Education (DepEd), nakita na 5,288 paaralan ang nagdeklara ng paglilipat sa alternative delivery modes katulad ng online classes at modular learning. Apektado rito ang 3,648,472 estudyante.

Nauna nang nagpaalala ang DepEd sa mga paaralan at lokal na pamahalaan na mayroon ang mga ito na kapangyarihan na magdeklara ng suspensyon ng klase kung hindi angkop ang kasalukuyang panahon sa pag-aaral sa klasrum.

“Given that DepEd supervises more than 47,000 schools nationwide, it is in the best interest of the learning community to have localized assessments for timely response and interventions to ensure the welfare of learners and personnel,” saad sa pahayag ng DepEd nitong Martes, Abril 2. RNT/JGC