Home ENTERTAINMENT Kiray, dinenay si Kirst!

Kiray, dinenay si Kirst!

Manila, Philippines – Sa guesting ni Kiray Celis sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw niya na hindi sila nagkaroon ng relasyon noon ng aktor na si Kirst Viray.

Natanong kasi ni Tito Boy si Kiray kung kumusta na sila ng kanyang ex lalo na ngayong nagkatrabaho uli sila sa seryeng My Guardian Alien, na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Sagot ng dalaga, “Hindi ko po siya ex! Tito Boy ha.

“Ano lang, ex-workmate, pero hindi kami naging…wala po kaming naging relasyon.”

Ipinaalala naman ni Tito Boy ang naging interview noon kina Kiray at Kirst kung saan pareho nilang inamin na wala talaga silang awkwardness sa isa’t isa.

“Kasi para po talaga siyang katrabaho ko na naging kaibigan ko. Tapos noong padulo na, para ko na siyang kapatid. Sobrang bait ni Kirst, as in,” ani Kiray.

“So nothing romantic?” ang sundot na tanong ni Tito Boy sa komedyana.

“Sabi ko nga sa ‘yo Tito Boy, basta ‘pag sa trabaho, pera-pera talaga tayo,” ang natawang sabi pa ni Kiray.

“Noong time na nagte-trending kami, tapos in-offer-an kami ng malaki for a show, sabi ko ‘Let’s go!’” chika pa ni Kiray.

Pag-amin pa ng dalaga,hindi raw talaga niya trip ang mga lalaking nasa showbiz.

“Hindi po ako mahilig sa artista.”

Marami ang nag-akala noon na naging magdyowa sina Kiray at Kirst dahil sa mga sweet photos nila together sa social media.

‘Yun pala ay hindi naging sila. Rommel Placente