Manila, Philippines – Sabay-sabay na napuruhan ng sakit ang tatlong anak ng dating Sex Bomb dancer na si Sunshine Garcia over the recent holidays.
Bago pa man ang Pasko, dinapuan ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) ang mga supling ni Sunshine.
Good thing, nag-manifest ang mga sintomas nito habang on vacation sa bahay kasama ang kanilang pamilya.
Nagdadalawang-isip pa nga raw si Sunshine kung ipo-post niya ito, pero gusto niyang ma-aware ang ibang magulang tungkol sa sakit.
Sabi ng pediatrician ng mga bata, two weeks bago lumabas ang sakit ng mga ito.
Ganoon na lang ang inabot na stress ni Sunshine.
Clueless daw siya kung paano na-acquire ng kanyang mga anak ang sakit, dahil isa lang sa tatlong bata ang pumapasok sa paaralan.
Bukod dito, once a week lang nila inilalabas ang mga bata sa family day-out sa play area.
Aminado si Sunshine na kapag tungkol sa kanyang mga anak, OA siya.
Napalis lang daw ang tensyon niya dahil easily accessible ang pedia.
Agad nabigyan ng vitamins ang mga bata para matulungan ang kanilang immune system.
Isolated din ang mga ito at pinigilan mula sa anumang contact sa ibang bata para hindi makapanghawa.
Paalala ni Sunshine sa mga magulang: “Kapag may nakita kayong sugat o rashes sa talampakan ng mga anak n’yo, kamay, bibig, paa at kahit nasa throat nila… ipa-check up n’yo agad sa doktor. Huwag n’yo munang ilalabas ang mga kiddos hangga’t hindi pa natutuyo ang mga sugat nila!”
Bawal din daw munang kargahin, hawakan, o halikan ang mga bata, lalo na kung galing sa labas ang magulang.
“Hindi sa pagiging maarte pero kailangang mag-ingat,” paalala ni Sunshine.