MANILA, Philippines – Umapela si Solid North Partylist Rep. Ching Bernos sa Philippine National Police (PNP) na agad na sirain ang nasabat na P2.5 bilyong halaga ng smuggled cigarettes upang masiguro na hindi ito makakabalik sa merkado.
Kasabay ng panawagan, binati din ni Bernos ang PNP sa pagkakasabat sa smuggled cigarettes. Aniya, malaking tulong ito sa mga lehitimong tobacco farmers.
“Nagpapasalamat tayo sa kapulisan sa matagumpay nilang nasabat ang napakalaking halaga ng smuggled cigarettes sa magkahiwalay na operasyon sa Batangas at Malabon. Malaki po ang maitutulong nito sa pagprotekta ng kabuhayan ng mga magsasaka sa Hilagang Pilipinas,” ani Bernos.
“We urged for the immediate and total destruction of the seized products to ensure that these would not enter the Philippine market,” dagdag pa nito.
Ani Bernos, ang smuggled na sigarilyo ay hindi lamang banta sa mga magsasaka kundi lalo na sa tax collection at sa kalusugan.
“Illicit tobacco products are hazardous to health, endanger the jobs of farmers, and curtail the government’s ability to fund universal healthcare because of unpaid taxes,” paliwanag ng mambabatas.
Umaasa si Bernos na patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa pagpasok ng mga smuggled cigarettes sa bansa at tiyaking mapapanagot ang nasa likod nito. Gail Mendoza