Home METRO 3-anyos patay, 8 sugatan matapos araruhin ng AUV sa Leyte

3-anyos patay, 8 sugatan matapos araruhin ng AUV sa Leyte

98
0

LEYTE, Philippines – Patay ang isang 3-taong gulang na bata habang walo naman ang sugatan matapos araruhin ng isang Asian Utility Vehicle (AUV) ang mga pedestrian sa Imelda Lane, Barangay Imelda, Tolosa, Leyte noong Biyernes, Abril 24.

Ayon sa ulat, residente ng Barangay Cabuynan, Tanauan, Leyte ang biktima at idineklarang patay sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver ng isang silver Mitsubishi Adventure, dahilan upang sumalpok ito sa isang thrift stall kung saan naroroon ang mga biktima, bago tuluyang bumangga sa hagdan ng plaza ng bayan.

Kabilang sa mga nasugatan ang limang bata na may edad 1, 5, 7, 9, at 10 taong gulang, na agad dinala sa ospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver na kinilalang si Tony, 55, residente ng Barangay Balao, Burauen, Leyte, habang nagpapatuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here