Home METRO 3 arestado sa drug raid sa Pampanga

3 arestado sa drug raid sa Pampanga

321
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang tatlong drug suspect sa buy-bust operation sa loob ng isang makeshift drug den sa Barangay San Joaquin, Mabalacat City, Pampanga, nitong Linggo.

Nakuha sa operasyon ang humigit-kumulang 8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400, pati drug paraphernalia at buy-bust money.

Kinilala ng PDEA Tarlac Provincial Office ang operator ng drug den bilang alias “Pepe,” 37.
Arestado rin ang dalawang iba pa: alias “Mar,” 49, at alias “Mimi,” 52.

Ang mga nakumpiskang droga ay dinala sa PDEA-3 laboratory para sa forensic examination.

Ang operasyon ay joint effort ng PDEA Tarlac, PDEA Pampanga, at lokal na pulisya.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here