NAVOTAS, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa Navotas dahil sa umano’y gang rape sa kanyang panganay na anak na babae, kasama ang dalawa pang kamag-anak nito.
Tinugis ng Philippine National Police Maritime Group ang suspek, na sakay ng isang motorbanca patungong Bulacan.
“Gumamit siya ng rented banca from Navotas Fish Port and supposedly tatawid siya ng Bulacan,” ayon kay Police Major Dandy Ferriol Jr., chief of the PNP Maritime Group NCR North Station.
Ang suspek ay nahaharap na rin sa kasong qualified rape sa Leyte dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa gang rape ng kanyang anak na babae, na noon ay menor de edad.
“Actually, tatlo sila na accused dito—isa yung stepfather ng victim, isa naman yung tito or kapatid ng nahuli namin, and last ay itong tatay nitong victim,” ani Ferriol.
Nauna nang naaresto ang stepfather at tiyuhin ng biktima, bago nahuli ng mga awtoridad ang kanyang ama. RNT/MND