Home METRO 3 arestado sa ilegal na pagbebenta ng SIM cards

3 arestado sa ilegal na pagbebenta ng SIM cards

MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang tatlong indibidwal dahil sa pagbebenta ng SIM cards.

Kinilala ang mga naaresto na sina Kim Thi Ta, Ria Nuñez Sto. Domingo at Mary Joy Llamera Sto. Domingo sa isang operasyon sa Maynila.

Sa natanggap na impormasyon ng NBI-OTCD, napag-alaman ang ilegal na pagbebenta o transfer ng Subscriber Identity Module (SIM) card, na ginagamit umano sa mga ilegal na aktibidad sa isa sa mga unit sa Orchard Residences, Masangkay Street, Tondo, Manila.

Nag-apply ang mga operatiba ng NBI-OTCD ng Search Warrant na target ang condominium unit na pinagbigyan naman ng RTC Branch 15 ng Manila na nagresulta ng pagkakakumpiska sa pre-registered SIM cards, cellular phones, computer sets at GSM Modem/Text Blaster.

Sa isinagawang operasyon, naaresto ng mga operatiba ang tatlong suspek na nakatira sa nasabing unit.

Mahaharap ang mga suspek ng kasong paglabag sa SIM Registration Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden